Bidding para sa gagawing 5 mega projects sa Zamboanga Peninsula, binuksan na ng DPWH
Magsasagawa na ng public bidding ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa procurement stage ng limang mega project na magbibigay-daan sa maginhawang pagbiyahe ng mga motorista at daloy ng kalakal sa Region 9.
Ayon sa DPWH, kapapalooban ng mga tulay at kalsada ang nasabing proyekto sa ilalim ng Improving Growth Corridors for Mindanao Road Sector Project.
Ayon sa DPWH, bahagi ng proyekto ay ang pagtatayo ng mahigit pitong kilometrong Gutalac-Baliguian Alternative Road at R.T. Lim-Siocon Road na kapapalooban ng pitong tulay sa Zamboanga del Norte.
Mahigit 33-kilometrong Curuan-Sibuco Road na kapapalooban ng dalawang tulay sa Zamboanga City at Zamboanga del Norte.
Halos 19 na kilometrong Siay-Gapol Road na kapapalooban ng tatlong tulay.
At ang Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay na kapapalooban ng tulay na magkokonekta sa Lutiman Zamoboanga Sibugay at Olutanga Port.
Nai-anunsyo na rin o nailathala ng ahensya noong January 23, 2020 ang gaganaping bidding para sa mga kwalipikadong kontratista.
Habang sisimulan ang pagpopreso nito sa unang kwarter ng 2020 kasunod na din ng itinakdang pre-bid conference sa February 26 at March 17, 2020 ang bidding submission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.