ABS-CBN, pinagkokomento ng SC sa loob ng 10 araw sa quo warranto petition ng OSG

By Ricky Brozas February 11, 2020 - 01:55 PM

Mabilis na naisama sa agenda ng Supreme Court En Banc ang Very Urgent Motion for Reconsideration ni Solicitor General Jose Calida na humihirit na mapawalang bisa ang prangkisa ng ABS CBN Corporation.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Brian Hosaka, sinabi nito na matapos ang en banc session, Martes ng umaga, nagdesisyon ang mga mahistrado ng SC na bigyan na ng pagkakaton ang respondent sa petisyon ni Calida o ang ABS-CBN na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.

Kasama sa pinagkokomento ng SC sa Calida quo warranto petition ang subsidiary ng Kapamilya network na ABS CBN Convergence Inc.

Sa petisyon ng SolGen, inabuso umano ng ABS-CBN ang pribileyo na ipinagkaloob ng estado nang maglunsad ito ng pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa NTC.

Pero ayon sa ABS-CBN, authorized ng NTC ang paggamit ng ABS-CBN ng conditional access system software na ginagamit nito sa pay-per-view. Wala ring sinasabi ang prangkisa ng ABS-CBN na bawal itong mag-pay-per-view.

Mayroon ding certificate of good standing ang ABS-CBN TV Plus sa NTC noong 2019.

TAGS: ABS CBN Convergence Inc., ABS-CBN, NTC, Quo warranto petition vs ABS-CBN, Supreme Court, ABS CBN Convergence Inc., ABS-CBN, NTC, Quo warranto petition vs ABS-CBN, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.