Bantang pagpapasara sa ABS-CBN, kinondina ng CHR; pagyurak umano sa kalayaan sa pamamahayag
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsisikil sa kalayaan sa pamamahayag.
Ang pahayag ng CHR ay kasunod ng pagdiriwang ng National Press Week at bantang pagpapasara sa ABS-CBN.
Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline de Guia, ang mga media networks kagaya ng ABS-CBN ay nagbibigay serbisyo sa publiko sa iba’t ibang paraan.
Sinabi pa ng tagapagsalita ng CHR na hindi dapat pulitika ang magdikta sa kasasapitin ng ABS-CBN o kahit sinumang media network, na tumatayo bilang pundasyon ng press freedom at ng demokrasya.
Kailangan rin umanong ikonsidera ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag ito ay napasara.
At kung sakaling mapasara ang ABS-CBN, magdudulot umano ito ng masmalala pang pagyurak sa press freedom maging sa pagngangalap ng information at freedom of expression.
Umapela naman ang CHR sa mga mamahayag bilang ikaapat na estado ng lipunan na patuloy na pag alabin ang ilaw ng katotohanan gamit mga karapatan at kalayaan bilang pananggalang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.