Pagpayag ng LTFRB na maisakay sa loob ng PUV ang mga alagang hayop magandang development

By Erwin Aguilon February 11, 2020 - 12:41 PM

Pinasalamatan Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang pagpayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makasakay na sa loob ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) ang mga alagang hayop.

Ayon kay Ong, welcome development ito para sa kanilang mga animal lovers.

Siniguro din ng mambabatas na makikipagtulungan sila sa LTFRB sa pagmomonitor kung nasusunod ang guidelines na inilabas ng regulatory body.

Nauna rito, nakipagdayalogo ang mambabatas kasama ang animal welfare group na Pawssion Project PH sa ahensya para hayaang maisakay sa loob ng PUVs ang mga domestic animals kabilang ang mga aso at pusa.

Ito ay matapos ang viral picture sa social media ng isang aso na nakasakay sa compartment ng isang bus na byaheng Bicol na umani ng batikos at panlulumo para sa aso.

Sa dating memo ng LTFRB, ang mga alagang hayop ay ipinalalagay sa hiwalay na animal compartment na ayon kay Ong ay wala naman talaga sa PUVs.

Sa inamyendahang memo ng LTFRB, pwede nang dalhin sa loob ng sasakyan ang alagang hayop basta’t nakasuot ito ng diapers at hindi mabaho.

Itatabi din sa owner ang alagang hayop na dapat nakalagay sa loob ng cage, at ibabayad ng pamasahe.

TAGS: Inquirer News, ltfrb, News Website in the Philippines, pet animals, PH news, Philippine breaking news, PUVs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, ltfrb, News Website in the Philippines, pet animals, PH news, Philippine breaking news, PUVs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.