WHO nagbigay ng Personal Protective Equipment sa mga tauhan ng San Lazaro Hospital
Nagkaloob ang World Health Organization o WHO Philippines ng ilang personal protective equipment o PPE sa mag tauhan ng San Lazaro Hospital sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga ibinigay ng WHO-PH ay medical goggles at face shields na magagamit ng mga staff ng ospital, lalo na ang mga health worker gaya ng mga nurse at doktor.
Ayon sa WHO-PH, mahalaga ang papel ng mga health worker lalo na ngayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute Rrespiratory Disease o nCoV-ARD.
Dagdag ng organisasyon, ang mga PPE ay importante upang maprotektahan ang health workers na front liners o silang nag-aalaga at nag-oobserba sa mga pasyente na kumpirmado o may hinihinalang nCov-ARD.
Ang San Lazaro Hospital ay kilalang referral facility para Infectious/ Communicable Diseases, at dito dinadala ang ilang mga pasyenteng nakitaan ng sintomas ng nCoV-ARD.
Batay sa datos ng Department of Health o DOH, as of February 10 ay nananatili sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng nCoV-ARD sa Pilipinas, kung saan isang pasyente ang nasawi.
Aabot naman sa higit tatlong daan ang bilang ng patients under investigation o PUIs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.