Pagpapaalis ng mga OFW patungong Taiwan inihinto na rin ng POEA

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 11:08 AM

Inihinto na muna ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagproseo sa Overseas Employment Certificate (OEC) ng mga Balik-Manggagawa patungong Taiwan.

Ito ay makaraang magpasya ang gobyerno na sakupin rin ng ipinatutupad na travel ban ang Taiwan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na dahil sa pagkakasama ng Taiwan sa travel ban, maging ang mga paalis na OFW ay hindi papayagang bumiyahe.

Nakipag-ugnayan na rin ang POEA sa mga agency para abisuhan ang employers ng mga dapat ay paalis na OFW na maaantala ang kanilang pagdating sa Taiwan dahil sa umiiral na ban.

Pero kahapon bago pormal na mapasama sa ban ang Taiwan ay may mga nakaalis nang OFW.

Sinabi ni Olalia na makakauwi pa rin naman sa Pilipinas ang mga OFW galing Taiwan na magbabakasyon.

Pero kailangan nilang sumailalim sa mandatory na 14-day quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan.

TAGS: 2019 ncov, Balik Manggagawa, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, ofw, PH news, Philippine breaking news, POEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taiwan, 2019 ncov, Balik Manggagawa, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, ofw, PH news, Philippine breaking news, POEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.