Kahit may total lockdown ilang residente bumabalik pa rin sa Taal Lake
Sa kabila ng total lockdown sa Taal Island marami pa ring residente ang bumabalik sa kanilang mga tahanan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) patuloy ang paalala nila sa kanilang mga tauhan na iwasan ang pagbalik sa Taal Island dahil nananatili ang pag-iral ng total lockdown.
Kasabay nito ay muling naglagay ng mga buoy markers ang coast guard sa sakop ng 7-kilometer radius danger zone sa Taal Lake.
Sa isinagawang installation ng markers ay inabutan ng coast guard ang ilang residente sa isla.
Pinayuhan silang tapusin lamang kung ano man ang kanilang pakay sa pagbalik sa isla at agad din lumisan para hindi sila mapahamak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.