17,000 katao nananatili sa evacuation centers sa Batangas
Mayroon pang labingpitong libong katao na nananatili sa temporary shelters matapos lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 110 evacuation centers pa ang 4,778 na pamilya o katumbas ng 17,088 na katao.
Mayroon naman nang 25 evacuation centers ang isinara dahil nakauwi na sa kanilang mga bahay ang mga lumikas na pamilya.
Sa datos ng NDRRMC ay umabot sa 2,308 na mga bahay ang bahagyang nasira sa Batangas habang 328 ang tuluyang nawasak at hindi na mapapakinabangan pa dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.