San Diego, California nakapagtala ng unang kaso ng nCoV

Nakapagtala ng unang kaso ng 2019 novel coronavirus sa San Diego, California.

Ito na ang ika-13 kaso ng 2019-nCoV sa US ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.

Dumating sa US ang pasyente sa Marine Corps Air Station Miramar sakay ng eroplano galing Wuhan City sa China.

Dinala ito sa University of California sa San Diego Medical Center.

Sa ngayon hindi pa naglalabas ng dagdag na detalye ang US CDC hinggil sa kondisyon ng pasyente.

Read more...