Balitang pagkansela sa mga visa itinanggi ng U.S. Embassy

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 09:51 AM

Itinanggi ng U.S. Embassy sa Pilipinas ang mga balita na sususpindihin nito ang mga aplikasyon para sa visa dahil sa banta ng paglaganap ng 2019 novel coronavirus.

Sa abiso ng embahada sinabing walang pagbabago sa visa policy na ipinatutupad nito sa Pilipinas.

Nakarating na umano sa U.S. Embassy sa Pilipinas ang mga kumakalat na pekeng abiso hinggil sa pagkansela o pagbawi sa tourist visas at suspensyon sa visa applications.

Isang pekeng Facabook account umano ang nagbahagi ng maling impormasyon.

Pinayuhan ng U.S. ang publiko na bantayan lamang ang opisyal na website at social media accounts ng embahada.

TAGS: 2019 ncov, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa policy, 2019 ncov, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.