Tatlo pang Pinoy kabilang sa panibagong batch ng mga sakay ng Diamond Princess na nagpositibo sa nCoV

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 08:45 AM

Kinumpirma ng pamunuan ng cruise ship na Princess Diamond na may mga Pinoy sa 66 na katao na nadagdag sa nagpositibo sa 2019 novel coronavirus.

Ayon sa pahayag ng Princess Cruises, sa 66 na panibagong mga nagpositibo, apat ay mula sa Australia, 1 mula sa Canada, 1 sa England, 46 ang mula sa Japan, 3 ang Pinoy 1 ang mula sa Ukraine at 11 sa Amerika.

Dahil sa panibagong mga nagpositibo ay umakyat na sa 8 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa nCoV mula sa nasabing barko na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Sa pahayag ng shipping company, matapos magpositibo ay agad sinunod ang ipinatutupad na disembarkation protocols ng Japan Ministry of Health at dinala sa ospital ang 66.

Sinabi rin ng kumpanya na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga magpopositibo sa nCoV sa susunod na mga araw hangga’t hindi natatapos ang quarantine period.

Sa February 19 inaasahang matatapos ang quarantine period sa lahat ng sakay ng naturang barko.

TAGS: 2019 ncov, cruise ship, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, Japan, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, cruise ship, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, Japan, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.