8 bagong bagon ng PNR dumating na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 07:59 AM

Walo pang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR) ang dumating na sa bansa.

Ang walong bagong bagon na bubuo sa dalawang bagong tren ng PNR ay dumating na sa port of Manila at nakatakdang dalhin sa PNR Depot.

Ang mga bagon ay 8100 series ng Diesel Multiple Unit (DMU) at bahagi ng biniling bagong bagon ng PNR.

Sa sandaling makabiyahe na ang dagdag na dalawang tren ay maseserbisyuhan nito ang 1,000 mga pasahero kada araw at gagamitin ito sa rutang Tutuban to Alabang.

Sasailalim muna sa 150 oras na validation test ang tren bago gamitin para sa commercial operations.

TAGS: Inquirer News, new cars, new train, News Website in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNR, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, new cars, new train, News Website in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, PNR, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.