Malamig na temperatura naitala pa rin sa malaking bahagi ng bansa; amihan hihina ngayong Valentine week – PAGASA
Malamig pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa ngayong umaga ng Martes (Feb. 11).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas ito ay dahil umiiral pa rin sa buong bansa ang Amihan.
Alas 5:00 ng umaga, kabilang sa nakapagtala ng mababang temperatura ang sumusunod na lugar:
Baguio City – 12 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 18.4 degrees Celsius
Laoag City – 18.8 degrees Celsius
Malaybalay, Bukidnon – 19 degrees Celsius
Science Garden, Quezon City – 20.4 degrees Celsius
Samantala ayon kay Rojas, sa Valentine week ay inaasahan ang bahagyang paghina ng amihan.
Dahil dito, hindi gaanong magiging malamig ang panahon sa Valentine’s Day.
Babalik naman ang paglakas ng amihahan pagkatapos ng Valentine week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.