Nasawi sa 2019-nCoV umabot na sa 1,018

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 06:35 AM

Umakyat na sa 1,018 ang bilang ng mga nasawi sa 2019-novel coronavirus.

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ang China ng 108 na panibagong bilang ng mga nasawi dahilan para umakyat na sa 1,016 ang death toll nito.

Nakapagtala din ang China ng dagdag na 2,128 na mga kaso dahilan para umabot na sa 42,638 ang kaso ng sakit sa China pa lamang.

Nakapagtala din ng maraming dagdag sa bilang ng mga kaso 2019-nCoV sa Japan matapos na 65 pang sakay ng naka-quarantine na cruise ship ang nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon mayroon nang 161 na kaso sa ng nCoV sa Japan.

Ang Singapore naman ay mayroong 45 kaso at ang Hong Kong ay mayroong 42 kaso.

Sa magdamag ay nakapagtala ang United Kingdom ng dagdag na 4 na kaso kaya umabot na sa 8 ang kumpirmadong kaso doon.

 

TAGS: 2019 ncov, death toll, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 ncov, death toll, department of health, Health, Inquirer News, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.