Paglalabas ng certified list of voters, ipinagpaliban ng Comelec

By Erwin Aguilon February 01, 2016 - 12:29 PM

pcos-machineIpinagpaliban ng Commission on Elections o Comelec ang paglalabas ng Certified List of Voters.

Base sa resolusyon ng Comelec, sa March 10, 2016 na lamang ilalabas ang Certified List of Voters sa halip na February 9, 2016 na naunang schedule.

Sinabi ng Comelec na hindi nakumpleto ang pagbili sa mga suplay para sa pag-iimprenta kaya kukulangin ang actual printing ng certified list of voters bago ang orihinal na petsa ng pagpapalabas.

Ilalabas ng Comelec ang listahan sa pamamagitan ng kanilang website kung saan magagawang makumpirma ng mga botante kung kasama ang kanilang pangalan sa opisyal na listahan ng mga makakaboto sa May 9, 2016 National and Local Elections.

Sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act 8436, may kapangyarihan ang Comelec na magbago ng petsa ng ilang pre-election acts para matiyak na hindi mapagkakaitan ang mga botante ng kanilang karapatang makaboto.

TAGS: certified voters' list, certified voters' list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.