LOOK: Updated cancelled flights ng PAL at CebuPac

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2020 - 05:52 AM

Matapos idagdag ng pamahalaan ang Taiwan sa sakop ng travel ban ay nagpalabas update ang Cebu Pacific at Philippine Airlines sa listahan ng mga kanselado nilang biyahe.

Ayon sa abiso ng dalawang kumpanya maliban sa mga biyahe nila mula at patungong mainland China, Hong Kong at Macau ay kanselado na rin ang mga biyahe mula at patungong Taiwan.

Narito ang mga kanseladong biyahe ng Cebu Pacific:

Manila to Taipei
5J 312
5J 310

Taipei to Manila
5J 311 (simula Feb 12, 2020)
5J 313

Ayon sa CebuPac base sa travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan ay bawal munang bumiyahe patungong Taiwan ang mga Pinoy kabilang ang kanilang mga crew.

Bawal din ang mga dayuhan na pumasok sa Pilipinas kung sila ay galing Taiwan maliban na lamang kung sila ay Permanent Resident Visa holders.

Samantala, sa abiso naman ng PAL, narito ang mga kinansela nilang biyahe mula at patungong Taiwan:

PR890/891 Manila-Taipei-Manila
PR894/895 Manila-Taipei-Manila

Sa abiso ng dalawang kumpanya, ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook ng kanilang flight o i-refund ang ibinayad nila sa ticket.

TAGS: 2019 ncov, cancelled flights, cebu pacific, department of health, Health, Inquirer News, manila to taipei, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PAL, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taipei to manila, 2019 ncov, cancelled flights, cebu pacific, department of health, Health, Inquirer News, manila to taipei, n-CoV scare, News Website in the Philippines, novel coronavirus, PAL, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taipei to manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.