Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng dalawang magkasunod na lindol

Dalawang beses niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 90 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:35 madaling araw ng Martes (February 11) at may lalim na 1 kilometer.

Sumunod na naitala ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 56 kilometers Southeast sa bayan pa rin ng Jose Abad Santos, alas-12:54 ng madaling araw at may lalim na 128 kilometers.

Tectonic ang pinagmulan ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...