Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ngayong umaga ng Martes (Feb. 11) ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, SeaOil, at Chevron alas 6:00 ng umaga ay epektibo ang bawas na 30 centavos sa kada litro ng gasolina, 60 centavos sa kada litro ng diesel at P1.40 sa kada litro ng kerosone.

May pareho ding halaga ng rollback sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang PTT Philippines, Total, at Petro Gazz.

Habang ang kumpanyang Phoenix Petroleum ay nauna nang nagpatupad ng rollback noong Sabado ng umaga at Sabado ng hapon naman ang Cleanfuel.

Read more...