Alkalde sa Maguindanao patay sa pamamaril sa Maynila
Patay sa pamamaril sa Maynila ang isang alkalde sa Maguindanao.
Tinambangan ang biktimang si Abdulwahab Sabal, alkalde ng bayan ng Talitay, Maguindanao nang ito ay bumaba sa kaniyang sasakyan sa harap ng Mmanra Hotel sa Malate, Maynila.
Ayon sa Malate Police alas 11:30 ng gabi ng Lunes (Feb. 10) nang matanggap nila ang tawag na may nangyaring pamamaril sa hotel.
Nang dumating sila sa lugar ay dinatnan na ang duguan at walang buhay na lalaki na kalaunan ay nakilalang si Sabal.
Nagawa pa ni Sabal na makapasok sa entrada ng hotel kahit may tama na ng bala ng baril pero binawian din ito ng buhay.
Nasa Maynila si Sabal para dumalo sa isang aktibidad.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Si Sabal ay napasama sa listahan ng narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay vice mayor pa.
Naaresto din si Sabal noong September 2016 para sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.