WATCH: Domestic tourism, dapat pasiglahin upang hindi maramdaman ang epekto ng 2019-nCoV

Nagkakasa na ng aksyon ang Kamara para mapaunlad ang turismo ng bansa sa kabila ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Cong. Sol Aragones, chairman ng House Committee on Tourism, kailangang mas palakasin ng bansa ang domestic tourism para mabawi ang nawalang kita sa mga dayuhan.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi naman sa buong bansa ay mayroong kaso ng 2019-nCoV ARD.

Gumagawa na rin aniya ang gobyerno ng hakbang para maiwasan ang pagkalat nito.

May report si Erwin Aguilon:

Read more...