U.S. Pres. Trump, sinubukang isalba ang VFA – Pangulong Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinubukan ni U.S. President Donald Trump na isalba pa ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng local chief executives sa SMX sa Pasay City, sinabi nito na hindi lang si Trump ang nagkumahog na isalba ang VFA kundi maging ang kanyang mga tauhan.
Pero ayon sa pangulo, ayaw na niya at desidido na siyang ibasura ang VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Masyado kasing aniyang naging bastos ang Amerika sa Pilipinas lalo na nang hilingin nito na palayain si Senadora Leila de Lima.
Ikinagalit din ng pangulo ang desisyon ng Amerika na pagbawalang makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng pagpapakulong kay de Lima.
Hindi rin makaturangan, ayon sa pangulo, na pagbantaan ang Pilipinas na hindi na makatatanggap ng ayuda kung hindi aaksyunan ang kanilang hiling kay de Lima.
Tanong ng pangulo, ano ba ang meron sa Amerika na pinagkakaitan silang makapaak sa kanilang lupa.
Kung tutuusin, ayon sa pangulo, malaki rin naman ang problema ng Amerika sa usapin sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.