Vertical gardens, ilalagay sa dalawang LRT-1 posts

Magtatayo ng vertical gardens sa dalawang post ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), pumirma ng kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Maynila at Light Rail Manila Corporation (LRMC) ukol sa paglalagay ng vertical gardens, araw ng Lunes (February 10).

Kasunod nito, hinikayat naman ang iba pang interesadong sektor na nais magbigay ng pondo sa paglalagay ng iba pang vertical garden.

Ibinahagi naman ni Mayor Isko Moreno ang nais niyang makamit na mas malinis na lungsod para sa mga taga-Maynila.

Tiniyak naman ni LRMC President at CEO Juan Alfonso na kukuha siya ng eksperto para magdisenyo ng vertical garden.

Read more...