P400-M pondo para sa reintegration program sa OFWs na apektado ng nCoV, kasado na

By Chona Yu February 10, 2020 - 05:21 PM

May nakahanda nang pondo ang pamahalaan para ipang-ayuda sa mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sa “Laging Handa” press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III na P400 milyon ang nakahanda para sa reintegration program.

Nakalaan aniya ito para sa 3,500 OFWs na posibleng umuwi ng bansa dahil sa coronavirus.

Tig-P20,000 ang matatanggap ng pamilya sa mga umuwing OFW at livelihood package program.

Tig-P10,000 naman ang matatanggap ng mga OFW na hindi pa makababalik sa kanilang trabaho sa China, Macau at Hong Kong dahil sa ipinatutupad na travel ban.

Hindi aniya utang ang pinansyal na ayuda sa mga OFW kundi bigay ng gobyerno.

Sinabi pa ni Bello na maari ring umutang ang mga OFW ng hanggang P1 milyon at walang interes para naman sa mga gustong mag-negosyo.

TAGS: 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, DOLE, ncov, reintegration program, Sec. Silvestre Bello III, 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, DOLE, ncov, reintegration program, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.