Global health emergency dahil sa Zika, tatalakayin sa emergency meeting ng WHO

Reuters Photo
Reuters Photo

Tatalakayin sa ipinatawag na emergency meeting ng World Health Organization kung nararapat bang magdeklara na ng global health emergency dahil sa paglaganap ng Zika virus.

Ngayong araw isasagawa ang closed-door meeting ng emergency committee ng WHO para tukuyin kung dapat pang ikunsidera na “public health emergency of international concern” ang nasabing sakit.

Ang pulong ay gagawin sa pamamagitan ng telephone conference ng mga senior WHO officials, mga kinatawan mula sa mga apektadong bansa at mga eksperto.

Ipinatawag ni WHO chief Margaret Chan ang pulong dahil sa aniya ay mabilis na pagkalat ng sakit sa Latin America.

Una nang sinabi ng WHO na posibleng abutin ng isang taon bago makabuo ng bakuna panlaban sa Zika virus.

Maliban sa sintomas nito na gaya ng sintomas ng sakit na dengue, ang Zika virus din ang tinitignang dahilan ng birth defect na microsephalus.

Sa Colombia, Ecuador, El Salvador, Jamaica at Puerto Rico, nagpalabas na ng babala sa mga kababaihan na ipagpaliban muna ang pagbubuntis hangga’t hindi nakokontrol ang paglaganap ng sakit.

Read more...