Pelikulang ‘Parasite’ ng South Korea humakot ng award sa Oscar

Nakapagtala ng kasaysayan ang pelikulang Parasite ng South Korea.

Ito ay matapos magwagi ang naturang pelikula bilang Best International Feature Film sa Oscar.

Nakuha din ng Pelikula ang Best Original Screenplay at Best Picture.

At ang direktor nitong si Bong Joon Ho ang nanalo bilang Best Director.

Tinalo ni Bong ang mga beteranong direktor sa Hollywood kabilang sina Martin Scorsese at Quentin Tarantino.

Nakapagtala din ng kasaysayan si Bong bilang kauna-unahang nakakuha ng naturang parangal mula sa Asian nation.

Ang ‘Parasite’ din ang kauna-unahang foreign language film na nanalo ng Best Picture sa Oscar.

Read more...