Pagpapalawig ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act pasado na sa Kamara
Aprubado na rin sa Kamara ang pagpapalawig sa sakop ng Violence Against Women and Children (VAWC).
Sa botong 227 affirmative, 0 negative at 0 abstention lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5869 o Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Sa ilalim ng panukala, sasaklawin na ang mga porma ng karahasan sa kababaihan na nakabatay sa teknolohiya, tulad ng stalking, pagha-harass sa text messages at chat, at pagpapakalat ng video.
Kapag naging ganap na batas, mahaharap sa P300,000 hanggang P500,000 na multa ang mga lalabag dito.
Sa kasalukuyang batas hindi pa kasama ang electronic violence sa sakop ng batas laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.