outbrain

“Express PadaLOVE” ng PHLPost muling itatampok para sa Valentine’s Day

By Ricky Brozas February 10, 2020 - 11:55 AM SHARE(S):

Para sa nalalapit na Valentine’s Day sa February 14, ibinabalik ng Philippine Postal Corporation o PHLPost ang patok na pakulo nito na tinatawag na “Express PadaLove.”

Ayon sa PHLPost, simula ngayong February 10 hanggang sa mismong Araw ng mga Puso sa Biyernes, available na ang kanilang mga “Singing Kartero.”

Bukod sa magdedeliver ang mga ito ng mga regalo, sila ay mangha-harana pa sa halagang P2,500.

Ayon kay Dada Marquez, ang hepe ng Marketing Mega Manila Area ng PHLPost, ang Singing Kartero Package ay may kasamang bouquet ng mga bulaklak, greeting card at dalawang kanta o Harana songs kaya tiyak aniya na kikiligin ang reregulahan.

Para naman sa Domestic Express Mail Service, pwedeng magregalo ng mga bulaklak, cards, stuffed toys, tsokolate at cakes.

Sa mga magde-date na magkasintahan o mag-asawa naman sa Araw ng mga Puso, maaaring dayuhin ang opisina ng PHLPost at bisitahin ang Personalized “Selfie” Stamps Booth.

At maliban sa pakulo na ito ng PHLPost, inilunsad ngayong araw ang special Valentine’s Day Stamps na kaugnay na rin sa “Love Month.”

Ang bawat stamp o selyo ay mabibili sa halagang P12.00 at may iba-ibang disenyo — ang Love Nature, Love for Country, Love Knows No Gender at Love Yourself.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, love stamps, News in the Philippines, PadaLOVE, PH news, PHLPost, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, love stamps, News in the Philippines, PadaLOVE, PH news, PHLPost, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.