Bus hinoldap, cash at gamit ng mga pasahero, natangay

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2016 - 10:47 AM

City Bus Inq FileNatangay ng tatlong holdaper ang aabot sa P45,000 na halaga ng mga gamit at cash ng mga pasahero ng isang bus sa Quezon City, kaninang madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, armado ng granada ang isa sa datlong mga holdaper na umakyat at nangholdap sa St. Rose bus sa bahagi ng EDSA northbound lane, Kamunung flyover kaninang alas 3:30 ng madaling araw.

Isa sa mga suspek ang nagtutok ng baril sa driver ng bus, habang ang isang may hawak ng granada ay may dala ring baril at nagpaputok pa ng warning shots

Ang ikatlong suspek naman ang naging abala sa paglimas sa gamit at pera ng nasa 20 mga pasahero.

Matapos makababa ang mga suspek agad dumeretso sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus pero hindi na nahabol pa ng mga pulis ang mga salarin.

Tangay ng mga suspek ang mga personal na gamit at pera ng mga pasahero na isinilid nila sa sako.

Naganap ang insidente sa kabila ng umiiral na gun ban ngayong panahon ng eleksyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.