Ilang Filipino-Chinese Schools sa Maynila balik-eskuwela na

By Ricky Brozas February 10, 2020 - 11:32 AM

May pasok na ang ilang Filipino-Chinese schools sa lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang magsuspinde ng klase sa loob ng halos dalawang linggo ang mga naturang paaralan dahil sa banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o nCoV ARD.

Sa anunsyo ng Hope Christian High School (Tondo) at Tiong Se Academy (Binondo), balik-eskwela na ang mga estudyante sa lahat ng antas ngayong Lunes (February 10).

Ang St. Stephen’s High School (Tondo), sinabi ring may pasok na ngayong araw at ang lahat ay inoobliga na i-fill out ang Health Declaration Form bago pumasok sa paaralan.

Sa Chiang Kai Shek College (Tondo), may pasok na muli sa kolehiyo ngayong Lunes.

Pero, ang Senior High School at Junior High School nila ay sa February 12 o Miyerkules pa ang resumption of classes at sa February 17 o sa susunod na Lunes naman ang pagbabalik-klase ng mga estudyante sa Grade School at Pre-School.

Ang Philippine Cultural College (Tondo), inanunsyo na may pasok na ngayong araw ang Senior High School. Ang Junior High School naman nila ay bukas ang resumption ng klase at sa February 12 ang pagbabalik-klase ng mga nasa Grade School, habang sa February 17 o sa susunod na Lunes pa ang pasok ng Kinder.

Sa Saint Jude Catholic School (San Miguel), may pasok na ang mga estudyante ng Early Childhood Department, Junior High School at Pre-University Programs gaya ng Senior High School at International Baccalaureate Diploma Programme.

Ngunit, nananatiling suspendido ang klase sa Elementary Department pero magre-resume din naman bukas, February 11.

Samantha, sa Uno High School (Tondo) ay #WalangPasok pa rin ng mga estudyante at inaabisuhan ang mga miyembro ng kanilang komunidad na maghintay na lamang ng anunsyo.

Ang mga nabanggit na Filipino-Chinese schools ay patuloy na nananawagan sa kanilang mga estudyante, mga guro at school personnel na sumunod sa precautionary measures na inilatag laban sa nCoV-ARD, gaya ng temperature checks. Pinapayuhan din ang lahat na magsuot ng face mask, surgical man o N95.

TAGS: 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Filipino-Chinese Schools, Health, Inquirer News, Manila City, may pasok, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Filipino-Chinese Schools, Health, Inquirer News, Manila City, may pasok, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.