Gastos sa mga magpapasuri sa 2019-nCoV sagot na ng gobyerno

By Chona Yu February 10, 2020 - 11:23 AM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO
Tiniyak ng Malakanyang na walang babayaran kahit na isang sentimo ang sino mang indibidwal na sasailalim sa labing apat na quarantine period dahil sa 2019 novel coronavirus.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat lamang tiyakin na sa mga pampublikong ospital magpapagamot ang mga persons under investigation o PUI.

Sagot aniya ng gobyerno ang mga test, confinement, gamot at iba pang hospital-related expenses ng pasyente.

Ayon kay Panelo, ibang usapan na kung sa pribadong ospital magpapagamot ang mga PUI dahil tiyak na mapapagastos na sila.

Kahapon lamang dumating sa bansa ang 30 Filipino mula China at isinailalim sa 14 na araw na quarantine period sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay Panelo, wala ring dapat na ikabahala ang 30 Filipino na umuwi dahil sagot din ng pamahalaan ang gastusin nila.

TAGS: 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, hospital, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, PUIs, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, hospital, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, PUIs, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.