Sa kaniyang pahayag sinabi ni Aragones na inirerespeto niya ang hakbang ng Office of the Solicitor Genetral na pagsasampa ng quo warranto case laban sa network.
Pero ani Aragones, mayroong 11 principal authors at marami pang co-authors na sumusuporta para sa renewal ng prankisa ng ABS-CBN sa Kamara.
Si Aragones ay isa sa author ng House Bill 3947 na layong bigyan ng 25 pang taong prangkisa ang network.
Naniniwala si Aragones na may sapat na panahon pa para dinggin at maipasa sa Kamara ang panukala bago ito mag-adjourn sa March 2020.
Sinabi ni Aragones na mahalagang ikunsidera ang kapalaran ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN at kanilang pamilya, gayundin ang publiko na sumusubaybay sa network.