9 na miyembro ng isang pamilya sa Hong Kong tinamaan ng novel coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 11:03 AM

Siyam na miyembro ng isang pamilya sa Hong Kong ang nagpositibo sa 2019-novel coronavirus.

Ito ay matapos silang magsalu-salo sa isang hotpot meal.

Unang nakumpirmang positibo sa virus ang isang 24 anyos na lalaki at kaniyang 91 anyos na lola.

Kalaunan, kinumpirma ng Center for Health Protection ng Hong Kong na nagpositibo rin sa virus ang ama, ina, dalawang tiyahin at tatlo pang pinsan ng lalaki.

Ang siyam ay kabilang sa 19 na katao na nagsalu-salo sa isang hotpot meal sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Lunar New Year holiday.

Mayroon nang 36 na kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa Hong Kong at mayroong isang nasawi.

TAGS: 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Hong Kong, hotpot meal, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Hong Kong, hotpot meal, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.