Mga aktibidad para sa “Araw ng Davao” kinansela ni Mayor Sara Duterte dahil sa banta ng 2019-nCoV

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 10:42 AM

Kanselado na ang serye ng events para sa pagdiriwang ng “Ika -83 Araw ng Davao”

Inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanselasyon dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus sa bansa.

Kabilang sa kinansela ang sumusunod na mga aktibidad:

– Pasiugdang Pagsaulog
– Reyna Dabawenya
– Ginoong Davao
– Sayaw Pinoy
– Kalingawan sa Sta. Ana
– Hudyaka
– Mutya ng Dabaw
– Pasidungog
– Araw ng Empleyado
– Kanta Bidabawenyo
– Parada Dabawenyo
– Datu Bago Awards

Ayon kay Mayor Sara, lahat ng preparasyon para sa nasabing mga aktibidad ay sa susunod na taon na lamang isasagawa.

Pinayuhan naman ang mga magulang at pamunuan ng mga paaralan, mga establisyimento na tiyakin ang kaligtasan ng mga bata at empleyado laban sa sakit.

Sinabi ng alkalde na patuloy sa pagtaas ang kaso ng 2019-nCoV sa iba’t ibang panig ng mundo at limitado ang pasilidad ng Davao City kung darami ang magkakasakit sa lungsod.

TAGS: 2019-nCoV ARD, 83rd araw ng davao, advisory, Breaking News in the Philippines, Davao City, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, 83rd araw ng davao, advisory, Breaking News in the Philippines, Davao City, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.