DA maglalabas na ng SRP sa presyo ng manok, isda at gulay

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 09:58 AM

Sa susunod na dalawang linggo maglalabas na ng suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) sa presyo ng manok, isda at gulay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, natuklasan nilang marami pa ring nagsasamantala sa presyuhan ng manok.

Ito ay marahil sa alam ng mga negosyante na maraming mamimili ang umiiwas muna sa pagbili ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Reyes, simula noong Christmas Season, hindi bumababa ang presyo ng manok.

Maliban sa presyo ng manok, maglalabas din ng SRP ang DA sa presyo ng isda at piling gulay.

Binanggit ni Reyes ang presyo ng galunggong na aniya ay nananatiling mataas sa mga pamilihan.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, chicken, fish, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, SRP, suggested retail price, Tagalog breaking news, tagalog news website, vegetables, Breaking News in the Philippines, chicken, fish, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, SRP, suggested retail price, Tagalog breaking news, tagalog news website, vegetables

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.