Personal contact details hinihingi ng PAL sa mga pasahero

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 09:37 AM

Hiniling ng Philippine Airlines (PAL) sa kanilang mga pasahero na mag-iwan ng mahahalagang impormasyon tuwing bibiyahe sa naturang airline.

Sa gitna ito ng 2019 novel coronavirus scare.

Ayon sa abiso ng PAL, hinihimok nila ang lahat ng kanilang pasahero na ibigay ang sumusunod na mga detalye:

– personal contact details
– mobile phone numbers
– residential phone numbers
– email addresses
– hotel addresses

At iba pang impormasyon para mabilis na matukoy ang kinaroroonan ng pasahero sakaling kailanganin ang contact tracing.

Ayon sa PAL, ang naturang mga impormasyon ay dapat ibigay sa sandaling bumili ng ticket ang pasahero.

Gagamitin ang impormasyon kung mangangailangan ng contact tracing ang PAL dahil sa banta ng nCoV.

Magagamit din ang mga impormasyon kung saka-sakaling may biglaang pagbabago sa flight schedule.

TAGS: 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, contact information, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PAL ADvisory, personal contact details, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, contact information, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PAL ADvisory, personal contact details, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.