LOOK: DOTr, may love tips at safety tips sa sawing netizen na nag-post ng video niya sa FB habang sakay ng motorsiklo

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 09:28 AM

Maliban sa love tips, mayroon ding safety tips ang Department of Transportation (DOTr) sa isang netizen na nagbahagi ng kaniyang video habang naka-angkas sa motorsiklo ng walang helmet.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Rosemarie Peñamora Tan, makikitang sakay ito ng motorsiklo kasama ang isa pang babae at ang lalaking driver.

Pawang walang suot na motorsiklo ang tatlo habang si Rosemarie at ang kasamang babae ay kumakanta ng awitin na tila pang-brokenhearted.

May caption ang video na “Ingatan mo sya, Dahil Binalewala nya ako dahil sayo , Sa isang iglap nasayang ang 9 years,”.

Ayon sa DOTr, nauunawaan nito ang ang kalagayan ni Rosemarie pero paano siya babalikan at paanong babangong muli si Rosemarie kung madidisgrasya ito dahil sa isa pang pagkakamali?

Payo ng DOTr kay Rosemarie, mahalin ang sarili.

“Love yourself first. Ipakita mo sa kanilang iniingatan mo sarili mo. That way, mag-aalangan silang saktan ka,” ayon sa DOTr.

Ayon sa DOTr, dapat ingatan ang puso, pero dapat ding ingatan ang ulo sa pamamagitan ng pagsusuot ng helmet.

At gaya ng relasyon, huwag umangkas kung may angkas na itong iba.

TAGS: Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, love tips, Netizen, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, safety tips, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, love tips, Netizen, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, safety tips, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.