77 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 09:07 AM

FILE PHOTO

Nakapagtala pa rin ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Voclano Bulletin na inilabas ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 na oras ay umabot sa 20 hanggang 50 meters ang taas ng usok na ibinuga ng bulkan.

Muli ring nagbuga ng Sulfur dioxide (SO2) ang bulkan na nasukat ng aabot sa 116 tonnes/day.

Sa magdamag ay nakapagtala ng 77 mahihinang volcanic earthquakes.

Ayon sa PAGASA, indikasyon ito ng pagkakaroon pa rin ng magmatic activity sa loob ng Taal.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs, maari pa ring magkaroon ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Volcano Bulletin, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, taal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Volcano Bulletin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.