Balak ni Las Piñas Congressman Mark Villar na sumabak na rin sa senatorial race sa 2016 elections.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, more than 50 percent nang decided ngayon ang kanyang anak na tumakbo sa pagka senador.
Komportable naman si Villar na makatrabaho ang anak sa senado dahil sa magkaiba ang kanilang adbokasiya.
Ayon sa Senadora, nakatutok siya sa agrikultura, livelihood at kapakanan ng mga kababaihan habang ang kanyang anak naman ay nakasentro sa negosyo at pagbibigay ng trabaho.
Sa ngayon aniya, tuloy pa ang konsultasyon ng kanilang pamilya.
Sakaling magpasya si Congressman Mark na tumakbong senador, tatakbo ito sa ilalim ng partido Nacionalista na partido ng kanyang amang si dating senador Manny Villar./ Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES