Babae patay sa pananambang sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 08:01 AM

Nasawi sa pananambang ang isang babae sa Barangay Western Bicutan sa Taguig City.

Ayon sa mga residente sa bahagi ng Purok 10, nakadinig sila ng magkakasunod na putok ng baril bandang ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes (Feb. 10).

Pagkatapos nito ay natagpuan na tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang babae sa kalsada sa natraung lugar.

Ayon sa Taguig City Police, hindi pamilyar ang biktima sa mga residente sa lugar kaya maaring hindi ito taga roon.

Pero bago mangyari ang pamamaril dito, noong Sabado ng gabi ay nagtungo sa barangay sa Western Bicutan ang biktima para magpa-blotter.

Sinabi umano ng babae na mayroong nananakit sa kaniya, pero nang binigyan na siya ng form para isapormal ang pagpapa-blotter ay nagpasya itong huwag nang ituloy ang reklamo.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.