Cardinal Tagle nakaalis na patungong Vatican para gampanan ang bago niyang tungkulin

Nakaalis na ng bansa patungong Vatican si Luis Antonio Cardinal Tagle.

Gagampanan na ni Tagle ang bago niyanig tungkulin bilang isa sa pinuno ng congregations sa Vatican City.

Dahil sa kaniyang pag-alis, bakante na ang pwestong iniwan ni Tagle sa Archdiocese of Manila.

Magsisilbi namang Apostolic administrator si Auxiliary Bishop Broderick Pabillo habang wala pang itinatalaga ang Santo Papa na papalit kay Tagle.

Bago umalis Linggo ng gabi, pinangunahan ni Tagle ang huling misa niya bilang Manila Archbishop sa Manila Cathedral umaga ng Linggo.

Sa mensahe ni Tagle sa ibinahagi ng Communication Office ng Archdiocese of Manila, sinabi nitong karangalan para sa kaniya ang manilbihan sa archdiocese.

Hiniling din nito na siya ay ipagdasal sa kaniyang bagong misyon.

Read more...