3 arestado dahil sa baril at granada sa Teresa, Rizal

By Mary Rose Cabrales February 10, 2020 - 06:08 AM

Timbog ang 3 lalaki matapos makuhanan ng iba’t ibang kalibre ng baril at granada sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal, Linggo (February 9).

Ang tatlong naaresto ay pawang mga residente ng lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Rizal Police Public Information Office, isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap na may mga lalaki umanong may hawak na baril sa tapat ng St. Therese Hospital sa Sumulong Avenue na agad nilang nirespondehan ata agad naaresto ang tatlong suspek.

Nasabat sa mga suspek ang kalibre .45, kalibre .38, mga bala ng baril, hand grenade at dalawang motorsiklong walang plaka.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog ang mga naarestong suspek.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teresa, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teresa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.