Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 at 3.1 na lindol
Niyanig ng dalawang lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa 162 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas 12:10 ng madaling araw ng Lunes ( February 10 ).
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 18 kilometers ang pagyanig.
Samantala, magnitude 3.1 na lindol naman ang sumunod na naitala sa 158 Kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-12:22 madaling araw at may lalim na 92 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.