outbrain

WATCH: Beauty and the Beast inawit ni Marcelito Pomoy sa kaniyang performance sa Grand Finals ng AGT

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 04:40 AM

Ang kantang Beauty and the Beast ang inawit ni Marcelito Pomoy sa kaniyang performance sa Grand Finals ng America’s Got Talent.

Gamit ang kaniyang dalawang boses na pambabae at panlalaki, ibinirit ni Pomoy ang kanta na orihinal na pinasikat nina Celine Dion at Peabo Bryson.

Standing ovation ang ibinigay ng audience kay Marcelito gayundin ang tatlong judges na sina
Heidi Klum, Alesha Dixon at Howie Mandel.

Ayon kay Klum kahit ito na ang ikatlong pagkakataon na napanood nila si Marcelito ay lagi siyang nasosorpresa sa performance nito.

Sinabi naman ni Mandel na sa una, ikalawa at ikatlong pagkakataon ay lagi siyang nagugulat sa performance ni Marcelito.

Perfect song choice naman ang Beauty and the Beast para kay Marcelito ayon kay Dixon.

Pero si Simon Cowell na tanging judge na hindi nagbigay ng standing ovation kay Marcelito, sinabi na bagaman hindi maitatanggi ang talento ni Marcelito, sana ay nagpakita ang Pinoy ng performance na labas sa kaniyang comfort zone.

Itutuloy pa ngayong araw ang performance ng ibang grand finalists at saka malalaman kung sino ang mananalo.

TAGS: AGT, america's got talent, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AGT, america's got talent, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Marcelito Pomoy, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.