PUIs sa 2019-nCoV umakyat na sa 284 – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2020 - 04:30 AM

Umakyat na sa 284 ang bilang ng mga napasama sa patients under investigation (PUIs) ng Department of Health (DOH) dahil sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon sa DOH, sa 284 na bilang ng mga PUI, 240 ang na-admit sa ospital, 15 ang tumanggi na magpa-admit at 24 ang nakalabas na ng pagamutan.

Nananatili namang tatlo ang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV na pawang Chinese nationals kung saan isa dito ang nasawi.

Karamihan sa mga PUI ay nasa NCR na umabot sa 98, sumunod ang CALABARZON at Central Luzon na mayroong tig-25 bilang ng PUIs.

TAGS: 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019-nCoV ARD, advisory, Breaking News in the Philippines, department of health, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.