Bilang ng infected ng nCoV sa cruise ship sa Japan umakyat na sa 70; 4 na Pinoy kabilang sa nagpositibo
Umakyat na sa 70 ang bilang ng nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o 2019-nCoV ARD sa cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan, anim na bagong kaso ang naitala kung saan apat dito ay mga Filipino, isang Amerikano at isang Ukrainian national na may edad na nasa pagitan ng 20 hanggang 70 taong gulang.
Sa anim na nagpositibo, lima dito ay crew members at isang pasahero na pawang wala namang ipinapakitang seryosong sintomas.
Sa 3,700 na pasahero at crew ay umabot na sa 336 ang sumailalim sa test.
Umabot naman sa 96 ang bilang ng mga nagpositibo sa nCoV sa bansang Japan kabilang ang 10 inilikas mula sa Wuhan city sa pamamagitan ng government-chartered flight, 16 a turista at isang bus driver.
Isang lalaki na Japanese national na nasa edad na 60 taong gulang naman ang nasawi noong Sabado na pinaghihinalaang infected ng nCoV kapag nagpositibo ito ang unang maitatalang casualty ng bansang Japan.
Sa pinakahuling bilang umabot na sa 811 ang nasawi dahil sa virus at umabot naman sa mahigit 37,000 ang bilang ng naapektuhan sa mainland China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.