Publiko pinaiiwas ng DOH sa pagdalo sa mga pagtitipon

Pinaiiwas muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagdalo sa mga malalaking pagtitipon na dadaluhan ng maraming tao.

Ipinayo din ng DOH ang pag-iwas sa pag-organisa ng malaking events na mangangailangan ng malaking bilang ng attendees sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na tiyaking napoprotektahan ang sarili laban sa sakit.

Nagtayo na ang kagawaran ng Command Center na tututok lamang sa 2019-nCoV ARD para sa mabilis na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Tiniyak ng DOH sa publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maawat ang paglaganap ng sakit sa bansa.

Read more...