3 motorcycle riders sugatan sa pamamaril sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang tatlong motorcycle rider makaraang pagbabarilin sa Candelaria, Quezon Linggo ng madaling-araw.

Sa ulat ng Candelaria police, aksidenteng nabangga ng motorcycle rider na si Arnold Estolano, 19-anyos, kasama ang dalawang angkas nito na sina Kien Ivan Delos Reyes, 18-anyos, at isang 14-anyos, ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng isang Ladislao Tubo.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Barangay Mangilag Norte bandang 1:00 ng madaling-araw.

Dahil dito, uminit ang ulo ng angkas ni Tubo at pinagbabaril ang tatlo gamit ang kalibre 45 na baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang tatlo.

Agad dinala ang mga biktima sa United Candelaria Doctors Hospital.

Samantala, mabilis namang nakatakas sa pinangyarihan ng krimen si Tubo at kasamahan nito.

Read more...