Amihan, nakakaapekto pa rin sa Luzon at Visayas – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na asahan pa rin ang maulap na kalangitan sa Luzon at buong Eastern Visayas bunsod nito.

Posible rin aniyang makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at Bicol region.

Magiging maaliwalas naman aniya ang lagay ng panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila at Mindanao.

Dagdag pa ni Aurelio, walang namamataang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...