Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol
By Angellic Jordan February 09, 2020 - 05:27 PM
umanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 117 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 5:12 ng hapon.
58 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.