Iba pang kumpanya ng langis, nag-anunsiyo na ng oil price rollback

Nag-anunsiyo na ang iba pang kumpanya ng langis ng tapyas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Cleanfuel, Shell, Petro Gazz, Seaoil at Phoenix Petroleum, may bawas na P0.60 sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.30 naman sa gasolina.

Sa Seaoil, may tapyas pang P1.40 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Buena manong nagpatupad ng oil price rollback ang Phoenix Petroleum epektibo noong Sabado, February 8, bandang 6:00 ng umaga.

Sinundan ito ng Cleanfuel sa araw ng Linggo, February 9, bandang 4:01 ng hapon.

Ipatutupad ng Seaoil ang kanilang oil price adjustment sa Lunes, February 10, bandang 6:00 ng umaga.

Samantala, kakaltasan ng Shell at Petro Gazz ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula sa Martes, February 11, bandang 6:00 ng umaga.

Read more...